Tagalog: Angelica Zambrano Maghanda sa pagharap sa iyong Dios!

Information Source: http://www.divinerevelations.info
Maghanda sa pagharap sa iyong Dios!

Ang mga Kaharian ng Langit at Impierno, at ang muling Pagbabalik ni Kristo,
ni Angelica Zambrano
Sa loob ng 23 oras, isang batang babae na taga ecuador nagngangalang Angelica ay pinagpakitaan ng mga Kaharian ng Langit at Impierno, at ang muling Pagbabalik ni Kristo. Nasaksihan niya nananangis si Hesus habang nakamasid Siya sa laksa-laksang kaluluwang napapahamak magpakailanman, isang daigdig na tumanggi sa Kanya, isang Iglesia o mga mananampalataya na ang karamihan ay hindi handa para sa Kanya, sangkatauhan na huminto sa pagsaksi sa mga napapahamak, at isang pang-aliwang industriya na inaakit maging ang mga bata para kay satanas. Nasaksihan niya ang maraming mga hinahangaan nating sikat na kasalukuyang personalidad na nagdurusa sa Hukay (impierno); mga mang-aawit, mga nagbibigay ng aliw, at maging ang isang papa (pinaka mataas na pari). Ipinakita rin kay Angelica kung papaano ang Kaharian ng Langit ay maluwalhati nang naigayak at handa na, isang maluwalhating lugar na di masayod ng kaisipan, na kung saan walang masamang nananahan. Bagaman si Hesus ay babalik lamang para sa mga taong Binanal, marami sa mga anak ng Dios ay Hindi magiging handa sa araw na iyon, at maiiwan sa isang daigdig na guguho. http://www.divinerevelations.info/tagalog
(From video Interview, originally in Spanish, Minimally Abridged, Location: El Empalme,)
Maxima (ang Nanay):
Ang pangalan ko ay Maxima Zambrano Mora at kami ay dumadalo sa “Casa de Oracion” Church sa El Empalme. Nag-aayuno kami sa loob ng 15 araw, at malakas na nananangis sa Dios. Sumama rin ang aking anak na si Angelica. Habang kami ay nag-aayuno sa loob ng 15 araw, nagkaroon ako ng kakayanang makakita ng higit sa pangkaraniwan, na hindi ko pa nagawa kailan man. Kami ay nananalangin at nag-aayuno sa retreat o campo, nagpatuloy kaming nananalangin at nananangis ng malakas sa aming tahanan, nagaantay na mangusap sa amin ang Dios.
Binigyan ako ng Panginoon ng higit na sigla. Dahil sa aming mga pagsubok, kalimitan ay handa na kaming sumuko, subalit laging naroon ang Panginoon upang kami ay tulungan. Ibinigay Niya sa amin ang Jeremiah 33:3 “Tumawag ka sa akin, at ako ay tutugon sa iyo, at ipapakita sa iyo ang mga bagay na dakila at kamangha-mangha, na hindi mo nalalaman.” Ang aking anak na babae ay mariing hinihiling iyon sa Panginoon, bagaman hindi ko ito alam noong pahahong iyon.
Angelica (Ang anak na babae):
Ang ngalan ko ay Angelica Elizabeth Zambrano Mora. Ako ay 18, at nag-aaral sa “Colegio José María Velazco Ibarra”, rito sa El Cantón, El Empalme, Ecuador. Una kong tinanggap si Kristo noong ako ay 12, subalit sinabi ko sa aking sarile, “Wala sa aking mga kaibigan ay evangelicals (namumuhay sa salita ng Dios) at pakiramdam ko ay kakaiba kapag kasama sila.”, kaya ako ay lumakad papalayo mula sa Dios, at namuhay ng isang masama, karima-rimarim na pamumuhay. Subalit ako ay hinugot ng Dios mula roon. Sa aking ika 15 kaarawan, ako ay napanumbalik sa Panginoon, subalit ako ay nagdadalawang isip pa rin. Sinasabi ng Bibliya (James 1:8), “Ang taong pabago-bago ng isipan ay hindi panatag sa lahat ng kanyang mga lakad” at isa ako sa mga taong ganoon. Sinasabi ng aking tatay, “Hindi ka dapat maging ganyan, mukha itong masagwa, ito’y hindi tama,” subalit ako ay sasagot, “Ganito talaga ako, at ang gusto kong maging, walang sinumang magsasabi sa akin kung ano ang dapat kong maging ako, o kung ano ang dapat kong gawin, o kung papaano akong manamit, o kumilos.” Siya ay tutugon, “Itutuwid ka ng Dios. Babaguhin ka Niya.”
Noong aking ika-17 kaarawan, napalapit ako ng higit sa Panginoon. Noong Abril 28 lumapit ako sa Kanya at sinabi, “Panginoon, masama ang aking pakiramdam, alam ko na ako ay isang makasalanan,” at sinabi ko sa Kanya kung ano ang aking nararamdaman. “Panginoon, patawarin mo po ako. Nais ko na isulat Ninyo ang aking pangalan sa Aklat ng Buhay at tanggapin Ninyo ako bilang anak.” Nagsisisi ako at muli kong ibinigay ang aking buhay sa Panginoon. “Panginoon, nais ko po na baguhin Ninyo ako, gumawa ng isang pagbabago sa akin.” Umiyak ako ng buo kong puso, hinihiling sa Panginoon na baguhin ako. Subalit, sa paglipas ng oras wala akong naramdamang pagbabago. Ang tanging pagbabago ay ang pasimula ko sa pagdalo sa sambahan, magbasa ng Bibliya at manalangin. Iyon lang ang tanging pagbabago sa aking buhay.
Pagkatapos, ng Agosto, ako ay inanyayahang mag-ayuno sa loob ng 15 araw. Nagpasya akong sumama, subalit bago ako pumasok sabi ko, “Panginoon, nais ko na pakitunguhan Mo ako rito.” Habang kami ay nag-aayuno, nangungusap ang Panginoon halos sa lahat, maliban sa akin! Tila baga na hindi ako nakikita ng Panginoon, at ito ay masakit. Ako’y mananalangin, “Panginoon, hindi Ka ba nakikitungo sa akin?” Patuloy akong umiiyak mag-isa, “Panginoon, mahal mo ba ako? Narito ka ba? Kasama ba kita? Bakit hindi Ka mangusap sa akin tulad ng ginagawa mo sa iba. Marami kang sinasabi sa ibang mga tao, maging mga salita sa panghinaharap, subalit hindi sa akin.” Humiling ako ng isang tanda na Siya ay kasama ko, at ibinigay sa akin ng Panginoon ang Jeremiah 33:3, “Tumawag ka sa Akin at Ako ay tutugon sa iyo at sasabihin sa iyo dakila at di masayod na mga bagay na hindi mo nalalaman.” Sabi ko, “Panginoon, Ikaw ba’y sa akin lamang nangusap?” Dahil narinig ko ang Kanyang tinig sa aking tainga at nagkaroon ng isang pangitain ng mga salita na nakasulat sa Jeremiah 33:3.
Sabi ko, “Panginoon, iyon po ba’y para sa akin?” Itinago ko ito sa aking sarile, habang ang bawa’t isa ay nagpapatotoo kung ano ang ibinigay sa kanila ng Panginoon at kung ano ang kanilang nakita. Subalit iningatan ko itong lihim at nagbubulay-bulay lamang sa mga salita: “Tumawag ka sa Akin” ang ibig sabihin ay manalangin, subalit ano ang ibig sabihin ng”dakila at mga makapangyarihang bagay”? Naisip ko, “Ang tanging kahulugan lamang nito ay langit at impierno.” Kaya sinabi ko, “Panginoon, Nais ko lamang na ipakita Mo sa akin ang langit, subalit huwag ang impierno, dahil narinig ko na ito ay isang kahindik-hindik na lugar.” Subalit pagkatapos noon nanalangin pa rin ako ng buo kong puso, “Panginoon, kung kalooban po Ninyo na ipakita sa akin kung ano ang nais Ninyo, mangyari po ito, subalit baguhin po muna Ninyo ako. Nais ko po na gumawa Kayo ng isang pagbabago sa akin; nais ko pong maging kakaiba.”
Pagkatapos naming mag-ayuno, nagkaroon ng mga pagsubok at kahirapan at kung minsan nararamdaman ko ang pagkahapo, hindi na makayanan pang magpatuloy sa paglalakad kasama ng Panginoon. Subalit binigyan Niya ako ng lakas. Nagpasimula akong makinig sa Kanyang tinig at kilalanin Siya nang mas maigi. Naging mabuti kaming magkaibigan. Ang Panginoon ang ating pinakamatalik na kaibigan, ang Banal na Espiritu. Sabi ko sa Kanya, “Panginoon, Ikaw ang pinaka matalik kong kaibigan. Nais po Kitang makilala pa nang higit,” at ibahagi ang lahat kong iniisip sa Kanya.
Nanalangin ako nang buong Agosto at pagkatapos sa Nobyembre, isang lingkod ng Panginoon ang dumating sa aming bahay at nagsabi, “Nawa’y pagpalain ka ng Panginoon.” Sumagot ako ng, “Amen.” Pagkatapos sinabi niya, “Ako’y naririto upang dalhan ka ng isang mensahe mula sa Dios…dapat mong ihanda ang iyong sarile, dahil ipapakita sa iyo ng Panginoon ang mga bagay na dakila at kamangha-mangha na hindi mo nalalaman. Ipapakita Niya sa iyo ang Langit ang Impierno dahil ikaw ay nagtatanong, mula sa Jeremiah 33:3.” Ako’y nagtanong, “Oo, papaano mong nalaman? Wala akong pinagsabihan noon kahit kanino.” Siya ay sumagot, “Ang magkatulad na Dios na iyong pinaglilingkuran at pinupuri, yang parehong Dios na iyan ang pinupuri ko rin at nagsabi sa akin ng lahat.”
Pagkatapos ay nagpasimula kaming manalangin. Ilang mga kapatirang kababaihan mula sa aming simbahan, at ang iba ay mula sa aking pamilya ay naroroon kasama naming nananalangin. Subalit nang magpasimula kaming manalangin, nakita kong bukas ang mga Langit. Kaya sinabi ko, “Nakikita ko na ang mga Langit ay bumubukas, at 2 anghel ang bumababa!” Ang lalaki ay nagsabi, “Tanungin mo sila kung bakit sila naririto.”
Sila ay matatangkad at magaganda; na may magagandang pakpak. Sila ay malalaki at kumikinang, at tila baga walang mga kulay, makinang na tulad ng ginto. Suot-suot nila ay mga sandalyas na cristal at nakasuot ng mga banal na kasuotan. “Bakit kayo naririto?” Sila’y ngumiti at nagsabi, “Kami ay naririto dahil mayroon kaming isang tungkulin na dapat isagawa…Kami ay naririto dahil dapat kang bumisita sa Langit at Impierno at hindi kami aalis hanggang ang lahat ng ito ay mangyari.” Ako’y tumugon, “napaka inam, subalit nais ko lamang bisitahin ang langit, hindi impierno.” Ngumiti sila, at nanatili roon, subalit walang nang sinabing anuman. Matapos kaming manalangin, nakikita ko pa rin sila roon.
Nagpasimula ko ring makita ang Banal na Espiritu; Siya ang matalik kong kaibigan; Siya ay Banal, Alam Niya ang lahat; Naroon Siya kahit saan! Nakikita ko Siya, walang kulay at kumikinang din; taglay ang isang makinang na mukha, nakikita ko ang Kanyang ngiti at ang Kanyang mapagmahal na sulyap! Halos di ko Siya maisalarawan, dahil higit Siyang di hamak na maganda kaysa mga anghel. Ang mga anghel ay may sarili silang kagandahan, subalit ang Banal na Espiritu ay higit na marilag kumpara sa kanila! Napapakinggan ko ang Kanyang tinig, isang tinig na puno ng pag-ibig, isang tinig na mapagpahinuhod. Hindi ko lang talaga maisalarawan ang Kanyang tinig; isang tinig na parang kidlat, subalit sa ganito ring pagkakataon sasabihin Niya, “kasama mo Ako.” Kaya pinipilit kong manatiling lumalakad kasama ang Dios, kahit na ang mga pagsubok ay nakapalibot sa amin. Dumaraan kami sa mga napakahirap na panahon, subalit mananagumpay din naman. Sabi ko, “Panginoon, ang kalooban Mo ang maganap.” Patuloy kong napapansin ang mga anghel kahit sa paaralan, at sa aking mga klase. Ako ay talagang masaya, talagang punong-puno ng galak dahil talagang nakikita ko sila!
Ang lingkod ng Panginoon, na dumalaw sa aming bahay, na ihanda ko ang aking sarili, dahil makikita ko ang Langit at Impierno. Subalit mayroon pa siyang sinabi sa akin na mahirap. Sabi niya, “Ikaw ay mamamatay.” Hindi ito madali nang marinig ko ito.
“Papaano ako mamamatay? Ako’y napakabata”, Tanong ko. Sumagot siya, “Huwag kang mag-alala sa anumang bagay, lahat nang bagay na ginagawa ng Dios ay ganap, ibabalik ka Niyang muli sa buhay, upang ikaw ay makapagpatotoo patungkol sa Langit at Impierno, na kung saan ay ibig ng Dios na malaman nating lahat.” Sabi ko, “Amen, subalit ako ba ay masasagasaan ng kotse, paano ako mamamatay?” Mga kaisipan ay dumadaloy patungo sa aking isipan, subalit sinabi ng Panginoon na huwag akong mag-alala, ang bawa’t bagay ay nasa patnubay. Sabi ko, “Salamat, Panginoon!”
Nang ika-6 ng Nobyembre, pagkatapos kong bumalik mula sa paaralan, ang mga Anghel ay kasama ko pa rin, maging sa pagpupuri sa Panginoon. Hindi sila nakikipag-usap sa akin; ang tanging sinasabi lamang nila ay, “Banal, Banal, Banal, Hallelujah,” nagbibigay kaluwalhatian, parangal at papuri sa ating Ama sa langit. Ang Banal na Espiritu ay naroon kasama ang mga anghel at ako ay nagagalak. Maraming tao ang nagsasabi na ang mabuting balita ay nakakabagot, subalit ito ay isang malaking kasinungalingan mula sa diablo upang ilayo ang mga tao sa paghahanap sa presensya ng Dios. Dati pinaniniwalaan ko rin ito, subalit nang makatagpo ko ang Panginoon at ang Banal na Espiritu, nalaman ko na ang mabuting balita ay hindi nakakabagot, ito ang pinakamagandang karanasan na iyong makakamtan sa Mundo!
Nakakakita ako, nakikipaglaro, at maging makipag-usap sa Banal na Espiritu. Subalit ang mga anghel ay hindi nakikipag-usap sa akin, kundi sila ay nagpupuri sa Panginoon. Sasabihin ko, “Banal na Espiritu sumama ka sa akin upang gawin ito o iyan.” At siya ay darating roon. Nararamdaman at nakikita ko Siya.
Nakita ko Siya ng siya ay tumindig, at ako ay maghahanda ng isang upuan para sa Kanya. Bagamat marami ang hindi nakakakita sa Kanya, naroon Siya! Ang ganoong relasyon ay nagpatuloy, walang dahilan upang ito ay mahinto, kapag naranasan mo na ito…walang paraan na ako ay aatras. Kung aking nanamnamin kung saan Niya ako pinulot, kung ano ako dati, ako’y lubhang mapagpasalamat para sa Kanyang kahabagan, para sa lahat ng Kanyang pag-ibig patungo sa sangkatauhan at sa akin!
Nang ika-7 ng Nobyembre, nang ako ay pabalik sa aming bahay, nakarinig ako ng isang tinig na nagsasabi, “Maghanda, dahil mamamatay ka ngayon,” Alam ko na ito ay sa Banal na Espiritu dahil nakikita ko Siya. Hindi ko pinansin ang Kanyang tinig at sinabi, “Panginoon, ayaw kong mamatay ngayon!” Subalit inulit Niya, “Maghanda, dahil mamamatay ka ngayon!” Sa oras na ito sinabi Niya ng mas malakas at mas mariin. Ako’y tumugon, “Panginoon, alam ko na Ikaw ang nangungusap sa akin; humihiling lamang ako ng patunay at pagkatapos noon, gawin Mo sa akin ang nais Mo. Gagawin ko anuman ang sabihin Mo, sumusuko ako, kahit na ako ay natatakot, dahil alam ko na kasama Kita at ikaw ay tunay.”
Nanalangin ako, “Hayaan mo na ang tao na ginamit Mo noong una, maghatid sa akin ng mensahe. Hayaan Mo na siya ay pumarito ngayon din sa aking bahay, bago ako dumating, at hayaan Mo na sabihin niya sa akin na ngayon ako ay mamamatay.” Ngayon, kahit papaano alam ng Panginoon ang ating nakalipas, kasalukuyan at hinaharap. Alam Niya kung ano ang hihilingin ko sa Kanya. Kaya nang ako ay dumating sa bahay, ang lingkod ng Panginoon ay naroon na.
Maxima:
Nang ang aking anak na babae ay naka-uwi sa bahay, naroon kami sa kusina. Nang makita ni Angelica ang lingkod ng Panginoon, sinabi niya, “Pagpalain ka nawa ng Panginoon.” Tumugon ang lingkod ng Dios, “Pagpalain ka ng Dios. Handa ka na ba? Sapagkat ngayon ang araw na kukunin ka ng Panginoon, sa ganap na 4 PM.” Nakatindig lamang siya roon, mangha na ang Panginoon ay pinaunlakan ang kanyang kahilingan.
Angelica:
Nang marinig ko ito sinabi ko, “Amen…subalit ayokong mamatay, hindi ako mamamatay! Hindi, Panginoon, natatakot ako, takot na takot, nagigimbal!” Sinabi ng lingkod ng Panginoon, “Manalangin tayo na umalis ngayon ang iyong takot sa pangalan ng Panginoon.” Sabi ko, “Amen” at nanalangin kami. Pagdakay naramdaman ko na ang lahat kong takot ay umalis sa akin at isang di maisalarawang kaligayahan ang dumating, sa pag-iisip na ang kamatayan ang pinaka mainam na maaring magyari sa akin! Nagpasimula akong ngumiti at tumawa habang ang bawat isa ay nakatingin sa akin. Nakita nilang lahat na mula sa pagiging malungkot sa pagiging masaya. Ako ay nakangiti, lumulukso at umaawit.
Maxima:
Biglang naramdaman ng anak kong babae ang ligaya sa kanyang puso at nagpasimulang kumain. Nakamtan niya ang piraso ng bawat bagay, nagsasabi, “Kung di na ako bumalik, mabuti, nakakain na ako at busog.”

Angelica:
Ang bawat isa ay nagpasimulang magtawanan at nagtanong, “Bakit kanito ang kinikilos mo sa halip na maging malungkot, ikaw ay masaya, ikaw ay nagbubunyi?” Sabi ko sa kanila, “Syempre pa, aalis ako upang makita ang Panginoon, makakapiling ko Siya, subalit hindi ko alam kung makakabalik pa ako kaya nais kong ipamigay ang lahat ng aking mga gamit.” Lahat sila ay nakatitig sa akin at nagtanong, “Ipamimigay mong lahat ng iyong ari-arian?” Ang mata ng nanay ko ay naka mulagat dahil sa isang malaking pagkabigla!
Maxima:
Nagpasimulang ipamigay ng aking anak na babae ang kanyang mga gamit. Ipinamigay niyang lahat, lahat! Ang aming mga kapatirang mga babae ay kasama namin, tulad ng dati, at binigyan niya ang bawat isa sa kanila ng ilang bagay. Nang tanungin ko ang kanyang mga layunin, sinabi niya, “Kung ako ay makabalik, maaari nilang isa uli ang lahat sa akin, subalit kung hindi na ako makabalik, puede na nilang itago ang lahat.”
Angelica:
Nauunawaan ko kung gaano kalungkutan ang nararamdaman ng aking nanay nang sabihin ko iyon. Subalit ang pakiramdam ko ay napakasaya, anupa’t pinasimulan kong ipamigay ang lahat: ang aking mga damit, aking higaan, aking cell phone, bawat bagay, na may isang kundisyon: Kung ako ay muling makabalik, ang lahat ay dapat isauli sa akin. Lahat sila ay nagpasimulang magtawanan.
Maxima:.
Siya ay talagang determinado, subalit bilang isang ina dama ko ay matinding kalungkutan. Hindi ito madali. Namangha ako, “Panginoon, kapag dumating ang pagkakataon, papaano ito?” Hindi ko maunawaan. Habang sila ay nagpasimulang manalangin, mayroon akong isang bagay na inaayos sa loob ng aming bahay. Sinabi nila, “sister, halika manalangin tayo.” Ngunit ako ay tumugon, “Magpatuloy lamang kayo, ako’y susunod maya-maya. Hayaan ninyo munang tapusin ko ang aking ginagawa.”
Angelica:
Pinagmamasdan nila akong lahat habang kami ay nananalangin. Ako’y nanalangin, “Panginoon, nais kong gawin ang Inyong kalooban. Hindi po Kayo isang tao na magsisinungaling o magsisisi, alam ko na Kayo ay tunay. Kung bibiguin ko Kayo, sa ganun mas mabuti pang kunin Niyo na lamang ako kasama Ninyo; subalit kung gagawin ko ang Inyong kalooban, kung ganoon ibalik Ninyo ako, subalit tulungan Ninyo akong sabihin ang katotohanan, ihanda Ninyo ako, tulungan Ninyo akong mangaral at sabihin sa mga tao na magsisi.” Iyon ang pinakamaigsi kong panalangin. Sinabi ko ito sa lingkod ng Panginoon at sabi ko, “Huwag mong sabihin sa aking nanay kung ano ang sinabi ko sa Panginoon.” Tumugon siya, “Hindi ko ito sasabihin sa kanya ngayon, subalit kapag kinuha ka na ng Panginoon, sasabihin ko ito sa kanya.” Nagpatuloy kami sa aming pananalangin at nagsama-sama sa isang pabilog na pananalangin.
Maxima:
Sa ganap na 3:30 PM, sinabi ng Panginoon sa kanyang lingkod na pahiran ng langis ang aking anak na babae. Kaya ilan sa amin ay tumungo sa silid at pinahiran siya. Binigyan niya kami ng dalawang minuto upang pahiran siya sa buong katawan, mula sa kanyang buhok pababa, lahat-lahat, sa buong katawan. Siya ay napahiran na ng buo.

Kamatayan
Angelica:
Ang aking nanay at ang iba pang mga kapatirang babae, Fátima Navarrete, pinahiran ako ng langis. Subalit habang pinapahiran nila ako, may naramdaman akong bagay na tumatakip sa akin, tulad ng isang salamin na nakapalibot sa akin. Ito’y napakahirap ipaliwanag, ang pakiramdam ko parang may soot akong tulad ng baluti at hindi ko maipaliwanag kung papaano ako nasuotan. Pagkatapos nuon, nang tangkain nilang ako’y hipuin, hindi na nila magawa.
Maxima:
Habang kami ay nananalangin para kay Angelica, Sinisikap kong ipatong ang aking mga kamay sa kanya, subalit hindi ko siya mahipo! Mayroong tila baga na bagay na nakatakip sa palibot niya. Ito’y kakaiba, walang sinuman ang makahipo sa kanya! Ang takip na ito ay nagsimula sa tuk-tok ng kanyang ulo hanggang sa kanyang mga paa, may 30cm (12 inches). Iyon ang nagpagimbal sa akin nang higit sa lahat. Nagpapatong na ako ng aking mga kamay sa mga tao dati, sa paglilingkod sa Panginoon, subalit walang katulad nito ang nangyari na! Sabi ko, “Oh, mayroong bagay na nangyayari,” at nagpasimula akong manalangin at nagpasalamat sa Panginoon. Bigla-bigla, nakadama ako nang malaking kagalakan. Ang kapanglawan sa aking puso ay nawala, ang kirot ay nawala, at ngayon galak at saya ang nadarama ko! Nagpatuloy kami sa pananalangin at sa bandang 4:00 ng hapon, ang aking anak ay natumba sa sahig.
Angelica:
Habang nananalangin, nakadama ako ng kaigsian sa paghinga; hindi ako makahinga. Dama ko ay isang kirot sa aking tiyan at sa aking puso. Ang pakiramdam ko huminto ang aking dugo, at napaka sakit ng buo kong katawan. Ang tanging nasasabi ko ay, “Panginoon, bigyan mo po ako ng lakas, bigyan mo po ako ng lakas!” dahil pakiramdam ko hindi na ako makapagpapatuloy pa. Wala akong lakas, ito’y umaalis sa akin! Nang ako ay tumingin sa langit, sa daigdig ng espiritu, hindi nang aking pisikal na mata, nakita ko ang langit na bumubukas. Nakita ko ang mga anghel, hindi lamang dalawa o sampu, subalit milyun-milyon sila na sama-samang nagtitipon. Sa gitna ng milyung-milyong mga anghel, naka kita ako ng isang liwanag, 10,000 ulit na mas maliwanag sa araw. At sabi ko, “Panginoon Ikaw na nga ang darating!”
Maxima:
Nang siya ay natumba, sinikap naming itayo siya, subalit hindi niya kayang tumayo sa kanyang sariling lakas. Sa oras na ito, hindi namin kayang hipuin. Sinasabi niya, “Manalangin. Wala akong lakas, Nanay, wala akong lakas at dama ko ay kirot.” Una, nadama niya ay kirot sa kanyang puso, at pagkatapos ito’y bumaba malapit sa kanyang tiyan. Nagpatuloy kami sa pananalangin at pagsusumamo sa Panginoon. Kinuha na ng Panginoon ang kanyang buhay!
Wala akong nasaksihang sa aking buhay na mayroong sinumang mamatay. Kinakailangan kong makita ang sa aking anak, habang siya ay naghihirap! Hindi ito talagang madali! Hindi ko maunawaan ang kanyang mga huling pananalita, at sa bandang huli siya ay huminto. Inilagay ko ang aking kamay sa kanyang mukha, at isang salamin sa kanyang bibig, upang malaman kung siya ay humihinga pa. Wala siyang hininga, siya’y nakatindig lamang. Hinawakan ko siya, siya ay mainit pa, gaya ng karaniwan. Kumuha ako ng isang kumot at tinalukbungan siya, at sa ilang saglit nagpasimula siyang maging malamig, napaka lamig. Ang kanyang buhok ay nakaayos sa likod, tulad ng buhok ng isang patay na tao, siya ay naging kasing lamig ng yelo.
Angelica:
Si Jesus ay bumababa, at nararamdaman ko na ang aking katawan ay namamatay. Habang si Jesus at ang mga anghel ay papalapit, dama ko na ako ay papaalis, at hindi na ako yung dating ako. Hindi na ako buhay, ako ay namamatay, at ito ay napakahirap! Nang ang aking katawan ay bumagsak sa sahig, naroroon na sila. Ang aking bahay ay punung-puno ng mga anghel, at sa gitna ng mga anghel nakita ko ang isang Liwanag, mas malakas pa sa araw! Ito’y napakahirap, dama ko ang isang malubhang kirot, habang ang aking kaluluwa at espiritu ay pinupunit papaalis.
Ako ay umiiyak at humihiyaw, habang nakikita ko ang aking katawan sa sahig. Nagtanong ako, “Panginoon, ano po ang nangyayari? Ano po ang nangyayari?” Nais kong hipuin ang aking katawan at muling pumasok sa loob, subalit nang subukan ko, ito’y tulad lamang nang pagdakot sa hangin: hindi ko ito mahipo. Ang aking kamay ay dere-derechong lumagos dito. Walang sinuman doon sa mga nananalangin ang nakakarinig sa akin! At ako ay sumigaw, “Panginoon, tulungan po ninyo ako!”
Maxima:
Ang aking asawa ay dumating habang kami ay nananalangin, at nakita niya siya roon. Binigyan ako ng Panginoon ng lakas sa tagpong iyon dahil hindi ko alam ang aking gagawin. Ito’y tulad ng siya ay nasa isang coma o walang ulirat, subalit alam ko na siya ay OK, dahil ito ay gawa ng Panginoon. Kaya sabi ko, “Panginoon, hayaan po Ninyo na ang Inyong kalooban ang maganap.”
Ang Panginoon HesuKristo
Angelica:
Sa pagkakataong iyon narinig ko ang tinig ng Panginoon, isang magandang tinig na may kidlat at pag-ibig, “Huwag kang matakot, Anak, sapagkat ako si Jehovah, ang iyong Dios, at ako’y naparito upang ipakita sa iyo kung ano ang ipinangako ko sa iyo. Tumindig ka, sapagkat ako si Jehovah, na may tangan sa iyo sa kanan mong kamay at nagsasabi sa iyo, Huwag kang matakot, tutulungan kita.” Bigla-bigla , ako ay tumindig. Ako ay nakaluhod, nakatingin sa aking katawan, nagnanasang makabalik sa loob subalit hindi ko kaya. Nang marinig ko ang Kanyang tinig, ang takot ay umalis sa akin, at hindi na ako takot.
Nang ako’y nagsimulang maglakad, ang mga anghel ay nagsimulang buksan ang isang landas. Mayroong isang malakas na liwanag na nagliliwanag, at habang ako ay nakatitig dito, nakadama ako ng kapayapaan. Sa aking pagtingin, nakakita ako ng isang maganda, matangkad, kahanga-hangang, matiponong lalake. Liwanag ay lumalabas mula sa Kanya. Mayroong makasisilaw na liwanag para sa akin upang tumingin sa Kanyang mukha! Subalit nakikita ko ang Kanyang magandang buhok na kumikinang na ginto at isang puting kasuotan na may isang malapad na gintong pamigkis na nakapahalang sa Kanyang dibdib. Mababasa itong, “HARI NG MGA HARI AT PANGINOON NG MGA PANGINOON.”
Nakatingin ako sa Kanyang mga paa, Siya ay nakasuot ng makintab na gintong sandalyas, yari sa kumikinang na ginto. Siya’y talagang napakaganda! Inunat Niya ang Kanyang kamay sa akin. Nang tignan ko ang Kanyang kamay, hindi ito tulad ng hipo ko sa aking katawan, ang aking kamay ay hindi tumagos dito. Tanong ko, “Ano ang nangyayari?” At sabi Niya, “Ipapakita ko sa iyo ang impierno, upang ikaw ay bumalik at sabihin sa lahat ng sangkatauhan na tunay ang impierno; na may impierno. At saka, ang Aking kaluwalhatian ipapakita ko sa iyo, upang sabihin mo sa Aking mga tao na maging handa, sapagkat ang Aking kaluwalhatian ay tunay at Ako ay tunay.” Sabi niya, “Anak, huwag kang matakot”- Sinabi Niyang muli at sabi ko, “Panginoon, gusto ko lamang sanang pumunta sa langit, at hindi po sa impierno, dahil narinig ko na ito ay kakila-kilabot!” Sabi Niya, “Anak, makakasama mo ako. Hindi kita iiwanan sa lugar na iyon at ipapakita ko sa iyo ang lugar na iyon dahil marami ang nakaaalam na mayroon talagang impierno, subalit wala silang takot. Ang paniniwala nila ito ay isang laro, na ang impierno ay isang biro, at marami ang hindi nakaaalam tungkol dito. Iyan ang dahilan kaya ipapakita ko sa iyo ang lugar na iyon, dahil mas marami ang nangapapahamak kaysa doon sa mga pumapasok sa Aking Kaluwalhatian.” Nang sabihin Niya iyon, nakikita ko ang mga luha na dumadaloy pababa sa Kanyang mga kasuotan. Tinanong ko Siya, “Panginoon, bakit po kayo umiiyak?” Tumugon Siya, “Anak, dahil mas marami ang napapahamak, at ipapakita Ko ito sa iyo, kaya ikaw ay hahayo at ipapahayag ang katotohanan at upang ikaw ay hindi na babalik sa lugar na iyon.”

Impierno
Pagdakay, habang Siya ay nagsasalita, ang bawat bagay ay nagpasimulang gumalaw. Ang Daigdig ay umuga at bumuka, at nakita ko ang isang napakadilim na kalaliman.
Kami ay nakatindig sa ibabaw ng tila baga isang malaking bato kasama ang mga anghel na nakapalibot sa amin. Sabi ko, “Panginoon, ayaw ko pong pumunta sa lugay na iyon!” Sabi Niya, “Anak, huwag kang matakot dahil kasama mo Ako” Sa isang saglit bumaba kami sa madilim na butas. Sinikap kong tumingin subalit mayroong isang matinding kadiliman. Nakita ko lang ang isang napakalaking bilog, at naririnig ang milyung-milyong mga tinig.
Ako’y napaka-init, dama ko na ang aking balat ay nasusunog. Tanong ko, “Panginoon, ano po ito? Ayaw ko pong pumunta sa lugar na ito!” Ang Panginoon ay sumagot na ito ay lagusan pa lamang patungo sa impierno. Mayroong isang nakakagimbal, nakakasulasok at nakakaduwal na amoy, at ako’y naki-usap kay Jesus na huwag na akong isama. Tumugon Siya, “Anak, ito’y kinakailangan na puntahan at malaman mo ang lugar na ito.” Ako’y umiyak, “Subalit bakit, Panginoon, bakit?” At Siya ay tumugon, “upang masabi mo ang katotohanan sa sangkatauhan; napapahamak ang sangkatauhan, ito’y naligaw at kakaunti ang pumapasok sa Aking kaharian.” (Matt 7:14) Sa sinasabi Niyang ito, Siya ay nananangis. Ang Kanyang mga salita ay nagpalakas at nagpatatag sa akin, kaya ako ay nagpatuloy sa paglalakad.
Dumating kami sa may dulo ng isang lagusan, nang ako’y tumingin pababa nakita ko ang isang bangin na nababalutan ng mga apoy. Sabi ng Panginoon “Anak, bigay ko ito sa iyo.” Ito’y isang napakalaking kuwaderno na may mga papel na walang sulat. “Anak, dalhin mo ang lapis na ito upang ikaw ay makasulat sa lahat nang ipapakitang Ko sa iyo, kung ano ang makikita mo at madirinig. Isusulat mong lahat habang ito’y iyong pinagmamasdan, tulad ng ito ay nararanasan mo.” Sabi ko, “Panginoon, gagawin ko po ito, subalit napakarami ko na po akong nakikita, Panginoon. Nakikita ko ang mga kaluluwa na pinahihirapan, at lagablab ng mga apoy.”
Maxima:
Lumilipas ang mga oras, at ang aking anak ay nakahiga pa rin doon. “Panginoon, ano po ang nangyayari?” Mga luha ay dumadaloy sa kanyang mga mata, subalit nang pahirin ko sila, bumabalik silang muli. Naglagay ako ng isang salamin sa kanyang bibig upang makita ko kung siya ay humihinga, subalit wala roong hininga. Tinignan namin ang kanyang pulso, wala. Nilagay namin ang isang kamay sa ibabaw ng kanyang tiyan, wala. Ang lingkod ng Dios ay nagsabi, “Ang lugar na kinaroroonan niya ay, hindi isang lugar ng mga ngiti subalit isang lugar ng pagdurusa.”
Angelica:
Sabi ko kay Jesus, “Ako’y magpapatotoo na ang impierno ay tunay, na mayroon talagang impierno, subalit alisin po Ninyo ako ngayon dito!” At tumugon siya, “Anak, hindi pa tayo nakakapasok sa lugar na iyon, at wala pa akong naipapakita sa iyo, at ngayon pa lamang ay gusto mo nang alisin Kita sa lugar na ito?” “Panginoon, paki-usap alisin po Ninyo ako rito,” Sabi ko. Pagkatapos nagpasimula kaming bumaba sa di maarok na kalaliman! Nagpasimula akong manangis at humiyaw, “Panginoon, hindi, hindi, hindi, hindi- ayaw ko pong sumama!” at Siya ay tutugon, “Kinakailangan mo itong makita.”
Nakakita ako ng mga nakapangingilabot na mga demonyo, na lahat ng uri, kapwa malaki at maliit. Napakatutulin nilang tumakbo, at may dala-dala na ilang bagay sa kanilang mga kamay. “Panginoon, bakit po sila nagsisitakbo na tulad noon at ano ang kanilang dinadala?” Tumugon Siya, “Anak, ganoon sila tumakbo dahil alam nila na ang kanilang oras ay unti-unti nang nauubos, dahil napaka-ikli na nang oras upang wasakin ang sangkatauhan at lalung-lalo na ang Aking mga tao. Ang kanilang dala-dala sa kanilang mga kamay ay mga panudla upang wasakin ang sangkatauhan, dahil ang bawat demonyo ay binigyan ng isang pangalan at ayon sa pangalang ibinigay sa kanila, mayroon silang panudla upang wasakin ang tao na iyon at dalhin sila sa lugar na ito; ang kanilang layunin ay wasakin ang taong iyon at dalhin sila sa impierno.” At nakikita ko ang mga demonyo na tumatakbo at lumalabas patungong Mundo at sinabi Niya sa akin. “Sila ay patungo sa Mundo upang dalhin at ibulid ang sangkatauhan sa lugar na ito.” Habang sinasabi Niya ito Siya ay umiiyak, umiiyak Siya ng labis-labis. Sa lahat ng oras Siya ay umiiyak at ako rin ay napapaiyak.
Maxima:
Ang aking anak ay patay na sa loob ng 23 oras, subalit hindi ko ipinagbigay alam sa mga pulis. Nanalangin ako, “Panginoon, maghahantay ako hanggang 24 na oras. Kung ang aking anak ay hindi bumalik sa loob ng 24 oras, tatawag ako ng isang doktor.” Ngunit, ibinalik siyang muli ng Panginoon bago mag 24 oras.
Angelica:
Sabi ng Panginoon sa akin, “Handa ka na bang makita kung ano ang ipapamalas ko sa iyo?” “Opo, Panginoon,” Sabi ko. Dinala Niya ako sa isang selda na kung saan nakikita ko ang isang batang lalake na pinahihirapan sa gitna ng mga apoy. Napansin ko na ang selda ay may bilang, na bagaman hindi ko maunawaan ang mga bilang, tila baga ang mga ito ay pabaligtad. Mayroon isang malaking karatula sa loob ng silid, ang batang lalake ay may bilang “666” sa kanyang noo. Mayroon din siyang isang malaking bakal na plaka na nakabaon sa kanyang balat. Ang mga bulate ay kinakain siya, hindi kayang sirain ang plaka na iyon; maging ang mga apoy hindi kayang sunugin ito. Humiyaw siya, “Panginoon, mahabag po Kayo sa akin. Alisin po Ninyo ako sa lugar na ito. Patawarin po Ninyo ako, Panginoon!” Subalit tutugon si Jesus, “Huli na ito, lubhang huli na: binigyan Kita ng mga pagkakataon at ayaw mong nagsisi.”
Tinanong ko si Jesus, “Panginoon, bakit po siya naririto?” Pagkatapos nakilala ko siya. Sa Mundo, ang batang lalaking ito ay alam ang Salita ng Dios, subalit biglang lumakad siyang papalayo sa Panginoon, ninasa ang alak, droga, at lumakad sa maling landas. Ayaw niyang sundan ang daan ng Panginoon. Maraming beses siyang binalaan ni Jesus kung ano ang maaaring mangyari sa kanya. Sabi ni Jesus, “Anak, narito siya sa lugar na ito dahil sinuman ang tumanggi sa Aking Salita ay mayroon nang hatol: Ang Salita na sinabi ko ang hahatol sa kanya sa huling araw na iyon,” (John 12:48) at pagkatapos nanangis si Jesus.
Kapagka ang Panginoon ay nanangis, ito’y kakaiba kumpara sa ginagawa natin. Siya’y na taglay ang kirot nito sa Kanyang puso at Siya’y mananangis nang may kalaliman. “Hindi Ko ginawa ang impierno para sa sangkatauhan,” Sabi ni Jesus. Kaya tinanong ko Siya, “Kung ganun bakit po naririto ang sangkatauhan, Panginoon?” Tumugon Siya, “Anak, ginawa Ko ang impierno para kay satanas at sa kanyang mga anghel, na silang mga demonyo; (Matt. 25:41) subalit, dahil sa kasalanan at sa kakulangan sa pagsisisi, humantong ang sangkatauhan dito, at mas marami ang mga napahamak kumpara sa kanila na naka-abot sa Aking kaluwalhatian!” Nagpatuloy Siya sa Kanyang pag-iyak at nasasakatan ako rito nang labis na makita kung papaano Siya umiiyak. “Anak, binigay Ko ang Aking buhay para sa sangkatauhan, upang hindi ito mapahamak, upang hindi ito humantong sa lugar na ito. Ibinigay Ko ang Aking buhay mula sa pag-ibig at kahabagan, upang ang sangkatauhan ay tumungo sa pagsisisi at makapasok sa Kaharian ng Langit.” Si Jesus ay nananaghoy na tulad ng isang taong di na makayanan ang kirot, ganoon kalaki ang sakit na naramdaman Niya sa pagtingin niya sa mga tao rito.
Dahil kasama ko si Jesus, naging ligtas ang aking pakiramdam. Naisip ko, “Kung bibitiwan ko ang Panginoon, ako’y maiiwan dito!” Tanong ko, “Jesus, mayroon po ba akong mga kamag-anak dito sa lugar na ito.” Tinignan Niya ako habang ako ay umiiyak at sabi Niya, “Anak, Ako’y kasama mo,” dahil ako’y labis na takot. Dinala Niya ako sa ibang silid o selda. Hindi ko akalaing makakita ng isang kamag-anak ko sa seldang iyon. Nakita ko ang babaeng ito pinahirapan, mayroon siyang mga bulate na kinakain ang kanyang mukha upang maalis, at ang mga demonyo ay sinasaksak ng isang uri ng sibat ang kanyang katawan. Siya’y humihiyaw, “Hindi po, Panginoon, mahabag po kayo sa akin, patawarin po Ninyo ako, parang awa Niyo na, alisin po Ninyo ako sa lugar na ito sa loob ng isang minuto!” (Luke 16:24)
Sa Impierno, ang mga tao ay pinahihirapan nang mga alaala ng kung ano ang kanilang ginawa sa Mundo. Ang mga demonyo ay lilibakin ang mga tao at sinasabi sa kanila, “Sumamba at magpuri dahil ito ang inyong kaharian!” at ang mga tao ay hihiyaw sa alaala na kilala nila ang Dios, dahil alam nila ang Salita. Yaong may pagkakilala sa Panginoon ay pinahihirapan ng dalawang ulit.
Sabi ng Panginoon, “Wala nang iba pang pagkakataon [sa kanila na naririto]; Mayroon pa ring pagkakataon para doon sa mga buhay.” Tinanong ko Siya, “Panginoon, bakit ang nanay ng aking lola ay naririto? Hindi ko po alam kung nakilala Ka niya. Bakit po siya naririto sa impierno, Panginoon?” Tumugon Siya, “Anak, narito siya dahil hindi siya nagpatawad…Anak, siya na ayaw magpatawad, ay hindi Ko rin naman patatawarin.”
Nagtanong ako, “Panginoon, subalit Ikaw ay nagpapatawad, at ikaw ay mahabagin.” At Siya ay tumugon, “Oo, Anak, subalit kinakailangan ang magpatawad, dahil hindi nila pinatawad ang maraming tao, kung kaya maraming tao ang naririto sa lugar na ito, dahil hindi nila nagawang magpatawad…Humayo ka at sabihin sa sangkatauhan na panahon na upang magpatawad, at lalung-lalo na ang Aking mga tao, sapagkat marami sa Aking mga tao ay hindi nagpatawad. Sabihin mo sa kanila na alisin ang mga sama ng loob, tanim na galit, ang pagkamuhi sa kanilang mga puso, sapagkat panahon na upang magpatawad! Kung ang kamatayan ay biglang dumating sa taong iyon na hindi nagawang magpatawad, ang taong iyon ay maaaring tumungo sa impierno, sapagkat walang sinuman ang makabibili ng buhay.” Nang umalis kami sa lugar na iyon, ang aking lola ay nilamon ng apoy at siya’y humiyaw, “Aaaah,” at nagpasimulang libakin ang ngalan ng Dios, sinusumpa niya Siya; bawat tao sa impierno ay namumusong laban sa Dios.
Sa aming paglisan sa lugar na iyon, natanto ko na ang impierno ay punung-puno ng mga hirap na hirap na mga kaluluwa. Maraming tao ang nag-aabot ng kanilang kamay, nagmamakaawa kay Jesus upang tulungan sila at alisin sila mula roon. Subalit walang magawang anuman ang Panginoon para sa kanila at nagpapasimula silang mamusong sa Dios. Pagkatapos mananangis si Jesus at sasabihin, “Ito’y nakakasakit sa akin na marinig sila, nasasaktan Akong makita ang kanilang ginagawa, dahil wala na Akong magagawang anuman para sa kanila. Ang sasabihin Ko sa iyo ay mayroon pa akong pagkakataon para sa kanya na naroon pa sa Mundo, siya na hindi pa namamatay, siya na buhay pa; mayroon pa siyang oras upang magsisi!”
Sinabi sa akin ng Panginoon na napakaraming mga tanyag na tao sa impierno, at ganun din maraming tao na nakakilala tungkol sa Panginoon. Sabi Niya, “Ipapakita ko sa iyo ang iba pang bahagi ng pugon.” Dumating kami sa isang lugar na kung saan isang babae ay nalilibutan ng naglalagablab na apoy. Siya ay nasa grabeng paghihirap at humihiyaw, nagmamakaawa sa Panginoon ng habag. Tinuro siya ni Jesus sa pamamagitan ng Kanyang kamay at sinabi sa akin, “Anak, ang babaeng nakikita mo banda roon, na napapalibutan ng mga naglalagablab na apoy, ay si Selena.” Habang kami ay papalapit ng papalapit, siya ay humiyaw, “Panginoon, mahabag po kayo sa akin, patawarin Nyo po ako Panginoon, alisin Nyo po ako sa lugar na ito!” Subalit ang Panginoon ay tumingin sa kanya at sinabi “Ito’y huli na, ito’y huli na. Hindi kana puedeng magsisi ngayon.”
Nakita niya ako at sinabi, “Paki-usap, nagmamakaawa ako sa iyo, humayo ka’t sabihin mo sa mga tao ang tungkol dito, paki-usap ipagsigawan mo at huwag kang manahimik; humayo ka at sabihin sa kanila na huwag pumunta sa lugar na ito; humayo ka at sabihin sa kanila huwag makinig sa aking mga awit, ni awitin man ang aking mga awit.” (1 John 2:15) Kaya tinanong ko siya, “Bakit gusto mo akong humayo at sabihin iyon?” At tumugon siya, “Sapagkat sa tuwing aawitin ng mga tao at pakikinggan ang aking mga awit, ako ay pinahihirapan nang higit, ang tao na gumawa nito, na umaawit at nakikinig sa aking mga awit, ay naglalakad na patungo sa lugar na ito. Paki-usap, humayo ka at sabihin sa kanila na huwag pumunta rito; humayo ka sabihin sa kanila na ang impierno ay tunay!” Siya ay hihiyaw at ang mga demonyo ay sisibatin siya ng maraming sibat mula sa kalayuan patusok sa kanyang katawan at siya ay mananangis, “Tulungan Nyo ako, Panginoon, mahabag po Kayo sa akin, Panginoon!” Subalit nakakalungkot, sinabi nang Panginoon sa kanya, “Ito’y huli na.”
Luminga-linga ako sa lahat ng dako roon, ito’y puno ng mga mang-aawit at mga artista na pumanaw. Ang ginawa lamang nila ay umawit at umawit, hindi sila mapigilan sa pag-awit. Pinaliwanag ng Panginoon, “Anak, ang taong naririto, ay kinakailangang magpatuloy sa ginagawa niya rito, anuman ang kanilang ginawa sa Mundo, kung hindi sila nagsisi.”
Habang pinagmamasdan ko ang lugar, napansin ko ang daming demonyo na nagtatapon pababa ng tila baga parang ulan. Ang akala ko talaga ay umuulan. Subalit napansin ko na ang mga tao sa lagablab ng apoy ay tumatakbong papalayo sa ulan at naghihiyawan, “Hindi, tulungan Nyo ko, Panginoon!…Hindi, hindi maaari ito,” at ang mga demonyo ay magtatawanan at sasabihin sa mga tao, “Papuri at pagsamba dahil ito ang inyong kaharian magpakailan-kailan pa man!” Nakita ko ang mga lagablab ng apoy na lumakas at ang mga bulate sa mga tao ay nagsidami! Walang tubig doon, ang asupre ang nagpaparami sa lagablab ng apoy at nagpapatindi sa pagdurusa ng bawat tao. Tinanong ko si Jesus, “Ano po ang nangyayari?…Panginoon, ano po ito?” Sumagot ang Panginoon, “Ito ang mga kabayaran sa sinuman na hindi nagsisi.” (Psalms 11:6)
Pagkatapos dinala ako ng Panginoon sa lugar na kung saan naroroon ang isa sa pinaka kilalang-kilalang tao. Bago ngayon, nahirati ako mamuhay bilang kabataang Kristiano na pabago-bago ng isip o nagdadalawang isip. Dati isip ko na kahit na sinong tao kapag namatay ay pupunta sa Langit; sila na nagsisimba, ay pupunta rin sa Langit, subalit ako’y mali. Nang si Pope John Paul II ay namatay, sinabi sa akin ng aking mga kaibigan at mga kamag-anak na siya ay napunta na sa Langit. Ang lahat ng mga balita sa TV, sa Extra at marami pang ibang mga lugar ay nagsasabi, “Pope John Paul II ay namatay, nawa siya ay magpahinga sa kapayapaan. Siya ngayon ay nagdiriwang kasama nang Panginoon at ng Kanyang mga anghel sa Langit” at pinaniwalaan ko ang lahat ng ito. Subalit niloloko ko lang pala ang aking sarili, dahil nakita ko siya sa Impierno, pinahihirapan sa mga lagablab ng mga apoy. Tinignan ko ang kanyang mukha, ito nga John Paul II! Sinabi sa akin ng Panginoon, “Tignan mo, Anak, iyong lalake na nakita mo roon, ay si Pope John Paul II. Siya ay naririto sa lugar na ito; siya ay pinahihirapan dahil hindi siya nagsisi.”
Subalit tanong ko, “Panginoon, bakit po siya naririto? Lagi siyang nangangaral dati sa simbahan.” Tugon ni Jesus, “Anak, walang nakikiapid, walang sumasamba sa dius-diosan, walang sinumang sakim at walang sinungaling ang magmamana ng Aking kaharian.” (Eph 5:5) Sumagot ako “Opo, alam ko na iyon ay totoo, subalit nais kong malaman kung bakit siya naririto, dahil ba lagi siyang nangangaral sa laksa-laksang mga tao!” At tumugon si Jesus, “Oo, Anak, maaaring marami siyang sinabing mga bagay, subalit ayaw niyang sabihin ang katotohanan kung ano talaga ito. Hindi niya sinabi ang katotohanan at alam nila ang katotohanan at bagaman alam nila ang katotohanan, ginusto niya ang salapi higit sa pangangaral ng kaligtasan. Hindi niya inalok ang katotohanan; hindi niya sinabi na ang impierno ay tunay at talagang mayroon ding langit; Anak, ngayon naririto siya sa lugar na ito.”
Nang tignan ko ang lalaking ito, taglay niya ang isang malaking ahas na may mga karayum, nakapalupot sa kanyang lalamunan, at sisikapin niya itong alisin. Naki-usap ako kay Jesus, “Panginoon, tulungan mo po siya!” Ang lalake ay hihiyaw, “Tulungan Nyo ko Panginoon; mahabag po kayo sa akin; alisin Nyo ako sa lugar na ito; patawarin Nyo ako! Nagsisisi na ako, Panginoon; nais ko pong bumalik sa Mundo, nais ko pong bumalik sa Mundo upang makapagsisi.” Pinagmamasan siya ng Panginoon at sinabi sa kanya, “Alam na alam mo. Alam na alam mo na ang lugar na ito ay tunay…ito’y huli na; wala nang iba pang pagkakataon para sa iyo.”
Sabi ng Panginoon, “Tignan mo, Anak, ipapakita ko sa iyo ang buhay ng taong ito.” Ipinakita sa akin ni Jesus ang isang napakalaking telon na kung saan makikita ko kung papaano ang taong ito ay naghandog ng maraming misa sa laksa-laksang mga tao. At kung papaanong ang mga taong naroroon ay napakahilig sa pagsamba sa dius-diosan. Sabi ni Jesus, “Tignan mo, Anak, napakaraming mga sumasamba sa dius-diosan sa lugar na ito. Ang pagsamba sa dius-diosan ay hindi makapagliligtas, Anak. Ako lamang ang nag-IISANG nakapagliligtas, at liban sa Akin, walang kaligtasan sa sinuman. Mahal ko ang mga makasalanan, subalit namumuhi ako sa kasalanan, Anak. Humayo ka at sabihin sa sangkatauhan na mahal Ko sila at kinakailangang lumapit sila sa Akin.”
Habang ang Panginoon ay nagsasalita, nagpasimula kong makita kung papaano ang lalaking ito tumanggap nang napakaraming mga pilak at salapi; pera, ang lahat nang ito ay kanyang itinatabi. Mayroon siyang napakaraming pera. Nakita ko ang mga larawan ng lalaking ito nakaupo sa isang trono, subalit nakita ko rin higit pa roon. Bagamat totoo na ang mga taong ito ay hindi nag-aasawa, matitiyak ko sa iyo, hindi ko ito gawa-gawa lamang, ipinakita ito sa akin ng Panginoon, ang mga taong iyon ay talagang sumisiping sa mga madre; sa maraming babae roon!
Ipinakita sa akin ng Panginoon na ang mga taong ito ay namumuhay sa pakikiapid, at sinasabi ng Salita na walang mapaki-apid ang magmamana ng kanyang Kaharian. Habang pinapanood ko ang lahat ng mga ito, sinabi sa akin ng Panginoon, “Tignan mo, Anak, lahat nang ito na ipinapakita Ko sa iyo ay ang kung ano nangyayari, ano ang kanyang pamumuhay at kung ano ang patuloy na nangyayari sa maraming mga tao, sa hanay nang maraming mga pare at papa sa kasalukuyan.” Pagkatapos sinabi Niya sa akin, “Anak, humayo ka, at sabihin mo sa sangkatauhan na panahon na upang pumihit sa Akin.”
Ipinakita sa akin ng Panginoon ang isang lugar na kung saan maraming mga tao ang naglalakad patungo sa impierno. Tinanong ko Siya, “Panginoon, papaano ito’t sila ay naglalakad patungo sa lugar na ito?” Tumugon Siya, “Ipapakita Ko sa iyo.” Ipinakita Niya sa akin ang isang lagusan na mayroong maraming mga tao na naglalakad dito. Itong mga taong ito ay mga nakatanikala mula kamay hanggang paa. Nakadamit sila ng itim at dala-dala and isang pasanin sa kanilang likod. Sabi ni Jesus, “Tignan mo Anak, iyong mga tao na nakikita mo roon, iyon ang mga taong hindi pa nakakakilala sa akin. Iyong kanilang dala-dala sa kanilang mga likod ay kasalanan, subalit humayo ka at sabihin sa kanila na ibigay sa Akin ang kanilang pasanin sa akin, at bibigyan ko sila ng kapayapaan; na Ako ang Siyang nagpapatawad sa lahat ng kanilang mga kasalanan…Anak, humayo ka at sabihin sa mga tao na iyon na lumapit sa Akin, sapagkat hinihintay Ko sila na bukas ang mga braso, at humayo ka at sabihin sa kanila na sila ay naglalakad patungo sa lugar na ito.”
Habang ako ay nakatingin sa mga taong naglalakad, sabi ko, “Panginoon, ang taong banda roon ay ang aking pinsan, Panginoon, ang batang babaeng iyon naglalakad pababa ay pinsan ko rin; ang aking pamilya ay patungo sa lugar na ito!” Siya ay tumugon, “Anak, naglalakad sila sa lugar na ito, subalit humayo ka at sabihin sa kanila kung saan sila nagsisilakad, humayo at sabihin sa kanila na sila ay naglalakad patungong impierno. Humayo at sabihin sa kanila na pinili kita na Aking tanod…pinili Kita bilang Aking tanod, sapagkat ang ibig sabihin nito na dapat mong sabihin ang katotohanan. Kinakailangan mong humayo at sabihin lahat nang ipinakita ko sa iyo. Kung hindi ka magsasalita at mayroong bagay na nangyari sa taong iyon, ang kanyang dugo ay ibubuhos sa iyo, subalit kung hahayo ka at gagawain ang mga sinabi ko sa iyo, sa gayon ang taong iyon ang mananagot sa Akin. Kung ang taong iyon ay hindi magsisi, doon ang pananagutan na nakaatang sa iyo ay maaalis, sapagkat ang pagsusulit ay bababa sa taong iyon at ang kanyang dugo ay hindi mabubuhos sa iyo. (Ezekiel 3:18)”
Sinabi sa akin ni Jesus na maraming sikat na mga tao ang naglalakad sa lugar na iyon, sikat at mga importanteng mga tao. Kunin bilang halimbawa, Michael Jackson. Ang taong ito ay sikat sa buong daigdig subalit siya ay isang satanista. Bagamat maraming mga tao hindi ito tinitignan sa ganoong paraan, subalit ito ang katotohanan. Ang taong ito ay mayroong mga tipanan kay satanas: siya ay sumang-ayon sa diablo upang makamtan ang kasikatan at maka-akit nang maraming mga tagahanga.
Iyong mga hakbang na kanyang ipinakita, iyon ang paraan nang paglalakad na nakita ko sa mga demonyo habang pinahihirapan ang mga tao sa impierno. Sila’y nagpapadausdos paatras at hindi umaabante, habang sila ay humihiyaw; natutuwa sa pahirap na kanilang ibinibigay sa mga tao.Nais kong sabihin sa iyo na si Michael Jackson ay nasa impierno. Ipinakita ng Panginoon sa akin si Michael matapos siyang mamatay. Pinahintulutan Niyang makita ko si Michael Jackson hirap na hirap sa mga lagablab ng apoy. Umiyak ako kay Jesus, “Bakit?” Hindi madaling makita kung papaanong ang taong ito ay pinahihirapan at kung papaanong siya’y humiyaw. Sinuman ang makinig sa mga awit ni Michael Jackson o awitin ang mga ito o maging isang tagahanga ni Michael Jackson, binabalaan ko kayo na sinisilo kayo ni satanas sa kanyang sapot upang ikaw ay humantong sa impierno. Sa oras na ito, iwaksi ito sa pangalan ni Jesus! Nais kang palayain ni Jesus, upang ikaw ay hindi mapahamak.
Sabi ng Panginoon, “Anak, mayroong ding mga tao na nakakakilala sa Akin, na naglalakad patungo sa lugar na ito.” Tanong ko, “Panginoon, papaanong ang mga taong nakakakilala sa Iyo ay mapunta rin dito?” Sumagot Siya, “Ang taong iyon na iniwan ang Aking mga landas at ang taong iyon na namumuhay sa isang dobleng pamumuhay.” Pinasimulan Niyang ipakita sa akin ang mga tao na naglalakad patungong Impierno. Sila’y nakatali mula sa kanilang mga kamay hanggang sa mga paa.
Ang bawat isa ay may suot na isang puting kasuotan, subalit ito ay punit, may mantsa at gusot. Sabi ni Jesus, “Anak, tignan mo kung papaano ang Aking mga tao lumakad papalayo sa Akin. Anak, nais Kong sabihin sa iyo na hindi Ako babalik para sa mga taong ito. Ako ay babalik para sa isang banal na mga tao, handa, walang dungis, walang kulubot, at walang karumihan…Humayo at sabihin sa kanila na bumalik sa dating mga landas.”(Eph. 5:26-27) Nagpasimula kong makita ang marami sa aking mga tiyuhin at marami pang ibang mga tao na lumakad papalayo sa mga landasin ng Panginoon. “Humayo at sabihin sa kanila na Ako ay naghahantay sa kanila, upang isuko ang kanilang mga pasanin sa Akin, at bibigyan Ko sila ng kapahingahan.” Nananangis si Jesus, “Anak, sila ay tumutungo sa lugar na ito. Humayo at sabihin sa iyong mga tiyuhin; humayo at sabihin sa iyong mga kamag-anak na sila ay patungo sa lugar na ito! Anak, marami ang hindi maniniwala sa iyo, subalit Ako ang iyong matapat na Saksi. Hindi kita iiwan. Kahit na hindi sila maniwala sa iyo, Anak, humayo at sabihin sa kanila ang katotohanan, sapagkat kasama mo Ako. Ipapakita Ko rin sa iyo, Anak, kung papaano ang mga tao ay dumarating sa lugar na ito.”
Nagtungo kami sa isang lagusan na kung saan naroon ang isang laksa ng mga tao bumabagsak sa kalaliman. Hindi 1 libo, hindi 2 libo, subalit kasing dami ng buhangin sa dagat, hindi mabilang. Sila ay bumabagsak kada segundo, tulad ng nang dakut-dakot na buhangin na ipinupukol pababa. Ang mga kaluluwa ay mabilis na bumabagsak. Si Jesus ay umiiyak, sabi Niya, “Anak, ganito kung papaano ang sangkatauhan ay mapahamak; ganito ito kung papaano ito mapahamak!…Anak, masakit sa Akin makita kung papaano ang sangkatauhan ay mapahamak.”
Sabi ni Jesus, “ang mga demonyo ay nagdaraos din ng mga pagpupulong sa lugar na ito” At sabi ko, “ang mga demonyo ay nagdaraos ng mga pagpupulong?” sabi ni Jesus, “Oo, Anak, nagkikita-kita sila upang magplano, magplano kung ano ang kanilang gagawin sa sangkatauhan. Sila’y nagtakda nang mga pang-araw-araw na lihim na mga pagpupulong.” At kasama nito, dinala ako ni Jesus sa isang selda, na kung saan nakita ko ang isang kahoy na mesa na may mga upuan sa palibot nito. At mayroong mga demonyo – lahat ng mga uri ng mga demonyo. Paliwanag ni Jesus, “Anak, pinaplano nila ngayon na pumunta at wasakin ang pamilya ng mga pastor, mga misyonero, mga evangelista, at lahat nang sa Akin ay nakakakilala. Anak, nais nilang wasakin sila; mayroon silang maraming panudla o mga busog.”
Ang mga demonyo ay magtatawanan at mangungutya at sasabihin, “Wasakin natin ang sangkatauhan at dalhin sila sa lugar na ito.” Sabi ni Jesus, “Humayo at sabihin sa kanila na Ako’y kasama nila. Sabihin sa kanila na huwag mag-iwan nang mga bukas na pintuan, huwag mag-iwan ng lugar para kay satanas, dahil si satanas ay naggagala tulad ng isang leong umuungal, naghahanap nang tao na maaari niyang lapain.(1st Peter 5:8)” Subalit sinasabi ng Salita, “siya’y naglalakad tulad”, dahil ang tanging tunay na Leon, ay ang Leon ng Judah, Jesus Christ ng Nazareth (Revelations 5:5)! Sabi ni Jesus, “Anak, nais nilang wasakin lalung-lalo na ang pamilya ng pastor.” Tanong ko, “Bakit nais nilang wasakin ang pamilya ng pastor?” At tumugon si Jesus, “Dahil sila ang namamahala sa mga libu-libong mga tao na mga tupa ng kawan; mga tupa ng kawan na ibinigay sa kanila ng Panginoon. Nais nila ang mga taong ito na bumalik muli sa sanglibutan; lumingon muli at humantong sa impierno…Humayo at sabihin sa mga pastor na salitain ang katotohanan. Humayo at sabihin sa kanila na ipangaral ang katotohanan at sabihin lahat nang pinasasabi Ko sa kanila at huwag itago sa para sa kanilang sarili kung ano ang ipinasasabi Ko sa kanila!”
Sa aming pag-alis sa lugar na iyon at sinabi Niya sa akin, “Nais Kong ipakita sa iyo ang iba pang mga bagay…Mayroon ding mga bata sa lugar na ito.” At ako ay sumagot, “Mga bata sa lugar na ito, Panginoon? Bakit po may mga bata rito? Ang Iyong Salita ay nagsasabi, ‘hayaan ang mga bata na lumapit sa Akin, at huwag silang pagbawalan: sapagkat ang Kaharian ng Dios ay nauukol sa mga tulad nila.” (Matthew 19:14) Sumagot si Jesus, “Anak, totoo ito, na nauukol sa kanila ang kaharian ng Langit, subalit ang bata na iyon ay dapat lumapit sa Akin, sapagkat siya na lumalapit sa Akin ay hindi Ko itataboy.” (John 6:37) Bigla-bigla, ipinakita sa akin ng Panginoon ang isang walong taong gulang na batang lalake pinapahirapan sa apoy. Umiyak ang bata, “Panginoon, mahabag po Kayo sa akin, alisin Nyo po ako sa lugar na ito, ayaw ko po rito!” Patuloy siya sa pag-iyak ang paghiyaw. Nakita ko ang mga demonyo nakapalibot sa batang ito, na nahahawig sa mga wangis ng cartoon. Mayroong Dragon, Boy Z, Ben 10, Pokémon, Doral, atbp. “Panginoon, bakit po naririto ang batang ito?” Ipinakita sa akin ni Jesus ang isang malaking telon nang buhay ng batang ito. Nakita ko kung papaanong inuubos niya ang lahat ng kanyang oras sa harap ng TV, pinapanood ang mga cartoons na ito.
Sabi ni Jesus, “Anak, ang mga buhay na cartoons, iyong mga palabas, iyong mga tele-nobela na nakikita araw-araw sa TV ay mga instrumento ni satanas upang wasakin ang sangkatauhan…Tignan mo, Anak kung papaano itong nagkaganoon.” Nakita ko kung papaanong ang bata magrebelde at sumuway sa kanyang mga magulang. Kapag nakikipag-usap sa kanya ang kanyang mga magulang, siya ay tumatakas, ipinupukol ang mga gamit at sinusuway sila. Pagkatapos nito nangyari, isang sasakyan ang nakasagasa sa kanya at natapos ang kanyang buhay. Sinabi sa akin ni Jesus, “Mula noon, narito na siya sa lugar na ito.”
Tinignan ko ang bata habang siya ay pinahihirapan. Sinabi ni Jesus, “Anak, humayo ka at sabihin sa mga magulang na turuan ang kanilang anak ayon sa nasusulat sa Aking Salita.” (Proverbs 22:6) Ang Salita ng Dios ay tunay, sinasabi nito sa atin na ituwid ang isang bata nang pamalo, subalit hindi panay-panay, doon lamang kapag ang bata ay nagiging pasuway sa kanyang mga magulang. (Proverbs 22:15)
May sinabi sa akin ang Panginoon na napaka lungkot at napaka sakit. Sabi Niya, The “Anak, maraming mga bata sa lugar na ito dahil sa mga buhay na cartoons, dahil sa pagsuway.” Tinanong ko Siya, “Panginoon, bakit ang mga buhay na cartoons ang dahilan dito?” At ipinaliwanag Niya, “Dahil sila ay mga demonyo na nagdudulot nang paghihimagsik, pagsuway, sama ng loob at pagkamuhi sa mga bata; at ang ibang mga demonyo ay pumapasok sa mga bata, upang hindi nila magawa ang mga bagay na mabuti, kundi ginagawa ang mga bagay na masama: kung ano ang nakikita ng mga bata sa TV, nais nila itong gawin sa totohanan.” Mayroong Impierno, ang impierno ay tunay, at maging mga bata ay dapat magpasya kung kanino sila sasama. Sabi ko, “Panginoon, sabihin Nyo po sa akin, bakit po may mga bata sa lugar na ito?” At tumugon si Jesus, “Kapag nalaman na ng mga bata na mayroong isang langit at isang impierno, roon mayroon na silang isang lugar na pagpipilian.”

Ang Kaharian ng Langit
Marami pa ang maaaring sabihin patungkol sa impierno, subalit ngayon ibabahagi ko kung ano ang nakita ko sa Langit. Sabi ni Jesus, “Anak, ngayon ipapakita Ko sa iyo kung ano ang inihanda Ko para sa Aking Banal na mga tao.” Iniwan namin ang lugar na iyon, papalabas sa isang lagusan. Habang naglalakbay sa loob ng lagusan, bigla kaming lumabas na kung saan mayroong liwanag. Wala na akong makitang kadiliman, parusa o mga lagablab ng apoy. Sabi Niya, “Anak, Ipapakita Ko sa iyo ang Aking kaluwalhatian,” at nagpasimula kaming umakyat sa Kaharian ng Langit! Di naglaon dumating kami sa isang pinto na may higanteng mga titik nakasulat sa ginto, sinasabi nito:
“Pagbati sa Kaharian ng Langit.”
Sabi ni Jesus, “Anak, pumasok ka sa loob, sapagkat Ako ang Pintuan at siya na papasok sa pamamagitan Ko, ay papasok, hahayo at makakasumpong ng mga pastulan.”(John 10:9)
Matapos sabihin ng Panginoon ang mga salitang ito, ang pinto ay bumukas at kami ay pumasok. Nakita ko ang mga anghel na nagbibigay ng kaluwalhatian, parangal at papuri sa ating Ama sa Langit! (Revelations 7:11-12) Sa aming pagpatuloy sa paglalakad, dumating kami sa isang mesa na kung saan nakikita ko ang simula, subalit hindi ang dulo. (Revelations 19:9) Napansin ko ang isang malaking trono, at isang maliit na trono napapalibutan ng libu-libong mga silya. Sa pagitan ng bawat silya ay mga kasuotan kasama ang mga korona. Sinabi ng Panginoon sa akin, “Anak, ang koronang nakikita mo iyon ang korona ng buhay.” (Revelations 2:10)
Sinabi ni Jesus, “Tignan mo, Anak, ito ang ihinanda ko para sa Aking mga tao.” Nakita ko na ang mesa ay natatakpan ng isang putting mantel na may ginto sa panggilid. Mayroong mga plato, mga gintong baso, prutas; bawat bagay ay naihain. Ito’y napakaganda. Mayroong isang napakalaking sisidlan sa gitna ng mesa, na naglalaman ng alak para sa hapunan. At sinabi ni Jesus, “Anak, bawat bagay ay handa na para sa pagdating ng Aking iglesia o mga tinawag.”
Nagtungo kami sa iba pang lugar, kung saan nakita ko ang maraming tao sa isang hardin. Naroon ang mga kilalang mga tao mula sa Bibliya, subalit hindi sila matatanda, kundi bata. Mayroon doong isang batang lalake na may isang malaking panyo sa kanyang kamay na sumayaw at umikot-ikot at nagpuri sa Panginoon. Sinabi ni Jesus, “Anak, ang batang lalaking iyon na nakita mo roon ay ang Aking lingkod na si David.” Binibigyan niya ng kaluwalhatian ang ating Ama. Bigla-bigla, isang uling batang lalake ang dumaan sa aming harapan at sinabi ni Jesus sa akin, “Anak, siya ay si Joshua; siya ay si Moses; itong isa pang batang lalake ay si Abraham.” Tinatawag sila ni Jesus sa pamamagitan ng kanilang mga pangalan. Silang lahat ay may magkakatulad na wangis! Sabi ni Jesus, “Anak, ang babaeng iyon na nakita mo roon ay ang Aking lingkod, Maria Magdalena; Aking lingkod, Sarah.”
Subalit pagkatapos sinabi Niya sa akin, “Anak, siya ay si Maria. Maria, na nagluwal kay HesuKristo, Na Ako. Anak, nais Kong sabihin sa iyo na wala siyang alam sa mga bagay na nangyayari sa Mundo. Nais Kong sabihin sa iyo na dapat kang humayo at sabihin sa sangkatauhan, sabihin sa mga sumasamba sa dius-diosan na tunay ang impierno, at ang mga sumasamba sa dius-diosan ay hindi magmamana ng Aking kaharian, subalit humayo at sabihin sa kanila na kung sila ay magsisisi, sila’y maaaring makapasok sa Aking makalangit na tirahan. Humayo at sabihin sa kanila na mahal Ko sila at sabihin sa kanila na walang alam si Maria sa anumang bagay, [nangyayari sa Mundo] at ang tanging Isa na dapat nilang itaas ay Ako, dahil hindi si Maria, o St. Gregory o kahit na sinong santo ang makapagbibigay ng kaligtasan. Ako lamang ang nag-iisang nagliligtas at maliban sa Akin – wala nang iba, walan nang iba, wala nang iba- nakapagliligtas!” Inulit Niya ito nang tatlong beses – na walang ibang nakapagliligtas; Siya lamang ang nakapagliligtas.
Ang sangkatauhan ay nadaya sa pagsampalataya sa mga inakalang santo, na hindi naman, subalit isang demonyo, gumagawa sa pamamagitan ng dius-diosan na gawa ng kamay ng tao. Subalit, hayaan mong sabihin ko na ang Panginoon ay nagnanasang ibigay sa iyo ang pinakamainam. Nais Niyang makapasok ka sa Kaharian ng Langit; magsisi at iwanan ang pagsamba sa dius-diosan. Dahil ang pagsamba sa dius-diosan ay hindi makapagliligtas sa iyo. Si HesuKristo na taga Nazareth ang tanging nakapagliligtas, na nagbigay ng Kanyang buhay para sa iyo, para sa akin at para sa lahat ng sangkatauhan. Nabang Siya ay umiiyak, sinabi Niya sa akin, “Paki-usap, Anak, huwag kang manahimik; humayo ka at sabihin mo ang katotohanan, humayo ka at sabihin mo kung ano ang ipinakita Ko sa iyo.”
Nakita ko kung papaanong sambahin ni Maria ang Panginoon, at nakita ko ang mga babae na mayroong napakagandang mahahabang buhok. Sabi ko, “Panginoon, napakaganda naman nang kanilang paraan sa pag-aayos ng kanilang mga buhok.” Sabi Niya sa akin, “Anak, yung nakikita mo ay belo na ibinigay Ko sa isang babae.” Dagdag pa Niya, “Anak, humayo at sabihin sa kababaihan na ingatang mabuti ang belo na ibinigay Ko sa kanila.”
Pagkatapos sinabi Niya sa akin, “Mayroon Akong nais ipakita sa iyo na napaka-importante.” Tumingin ako sa kalayuan at nakita ang isang kumikinang na lungsod o bayan, isang lungsod na ginto! Sabi ko, “Panginoon, ano po iyon? Nais ko pong pumunta sa gawi roon.” Sumagot Siya, “Anak, ipapakita Ko sa iyo kung ano ang nasa gawi roon. Kung ano ang iyong nakikita ay ang makalangit na tirahan, ang mga makalangit na mansion na handa na para sa Aking mga tao.”
Nagsimula kami sa paglalakad, hanggang sa marating namin ang isang gintong tulay. Habang kami ay lumakad sa ibabaw nito, nakarating kami sa mga lansangan na yari sa purong ginto! (Revelations 21:21)
Bawat bagay ay napaka ganda, napaka kinang, tulad nang kumikinang na salamin, ito’y talagang sukdulang higit sa natural, hindi kayang ipaliwanag! Nakita namin ang mga makalangit na mga mansion, at pinagmasdan ang libu-libong anghel na gumagawa sa kanila. Ilan sa mga anghel ay napakatulin sa pagtatayo, ang iba naman ay may kabagalan sa pagtatayo at ang iba naman ay hindi talaga nagtatayo. Tinanong ko ang Panginoon, “Bakit po ang ilang mga anghel ay napaka tutuling magtayo, habang ang mga iba naman ay mabagal, at ang ilan sa kanila ay huminto sa pagtatayo?” Pinaliwanag ng Panginoon, “Anak, ganoon kung papaano ang Aking mga tao sa Mundo gumawa, at ang Aking mga anghel ay gumagawa kagaya nang gawa ng Aking mga anak sa Mundo…Anak, ang Aking mga tao ay hindi na ibinabahagi ang mabuting balita. Ang Aking mga tao ay hindi na nag-aayuno. Ang Aking mga tao ay hindi na humahayo sa mga lansangan upang mamahagi ng mga babasahing nagsasabi ng katotohanan. Ngayon ang aking mga tao ay nahihiya. Humayo ka at sabihin mo sa Aking mga tao na bumalik sa dating mga landasin. Iyong mga anghel na nakita mong wala nang ginagawa ay napapabilang sa mga tao na lumakad papalayo mula sa Aking mga landas…Anak, humayo ka at sabihin mo sa Aking mga tao na bumalik sa dating mga landas. “(Jeremiah 6:16) at sa pagsasabi nito Siya ay nagpasimulang manangis.
Nakarinig ako ng ibang mga taong nag-aawitan, kaya tinanong ko Siya, “Panginoon, Nais ko pong dalhin Ninyo ako banda roon, kung saan ang mga taong iyon ay nag-aawitan.” Pinagmamasdan ako ni Jesus, Masasabi ko kung papaano Niya akong pinagmamasdan, subalit hindi ko makita ang Kanyang mukha, yun lamang mga galaw ng Kanyang mukha. Habang ang Kanyang mga luha ay dumadaloy sa Kanyang kasuotan, tinanong ko Siya kung bakit Siya umiiyak. Subalit hindi Niya ito pinaliwanag sa akin.
Pagkalipas nito dumating kami rito sa magandang hardin. Duon, kasama nang mga makalangit na mansion, nakita ko mga bulaklak na humahapay. Iyon marahil ang mga awitan na aking narinig. Tinuro ng Panginoon sa pamamagitan ng Kanyang daliri at nagsabi, “Anak, tignan mo, pinupuri nila Ako; sinasamba nila Ako! Ang Aking mga tao ay hindi na nagpupuri sa Akin, hindi rin sumasamba sa Akin; hindi na Ako hinahanap tulaad ng dati. Kaya sinabi Ko sa iyo, Anak, na humayo ka at sabihin mo sa Aking mga tao na hanapin Ako, sapagkat Ako ay aalis, Ako’y aalis, Ako’y aalis papunta sa isang bayan na humahanap sa Akin sa espiritu at sa katotohanan, sa isang bayan na handa, sa isang bayan na banal!” At lumuluhang sinabi Niya, “Ako’y darating, Ako’y darating!” Pagkatapos naunawaan ko kung bakit Siya lumuluha, dahil Siya ay babalik, subalit hindi para sa kanila na hati ang puso. Siya ay babalik lamang para sa isang bayan na naghahanap sa Kanya sa espiritu at sa katotohanan.
Pagkatapos sinabi sa akin ng Panginoon na kinakailangang bumalik ako sa Mundo. Sabi ko, “Panginoon, ayaw ko na pong bumalik sa Mundo! Ano po ang ibig Ninyong sabihing – Mundo? Nais ko pong manatili sa Inyo. Dinala po Ninyo ako rito at hindi po ako pupunta saan man dahil kasama ko po Kayo!” Sabi ni Jesus, “Anak, ito’y kinakailangan na bumalik ka sa Mundo upang humayo at magpatotoo na ang Aking kaluwalhatian ay tunay, na ang Aking ipapakita sa iyo ay tunay; na ang mga nakita mo ay tunay, upang ang sangkatauhan ay lumapit sa Akin, magsisi at hindi mapahamak.” Nananangis, nagpatirapa ako sa Kanyang paanan; doon nakita ko ang mga sugat sa Kanyang mga paa. Tanong ko, “Panginoon, ano po ang mga sugat na ito rito?” Tumugon Siya, “Anak, iyon ay ang marka mula sa nakalipas na iyon, nang ibigay Ko ang Aking buhay para sa sangkatauhan.”
Ipinakita Niya sa akin ang mga marka sa Kanyang mga kamay, tanong ko, “Panginoon, bakit taglay Ninyo pa rin iyan?” Sinabi Niya sa akin, “Anak, ito ang mga marka na nanatili.” Kaya tinanong ko, “Ito ba’y mawawala?” Sumagot Siya, “Anak, ito ay aalis kapag ang lahat ng mga binanal ay magkasama-sama na rito…Anak, kinakailangang dalhin kita sa Mundo: Sa iyong pamilya at ang mga saling-lahi ay naghahantay sa iyo.”
Sinikap kong tumanggi subalit itinuro Niya pababa ang Mundo sa pamamagitan ng Kanyang daliri at sinabi, “Tignan mo, iyong mga tao na nakikita mo roon sa baba ay iyong mga kamag-anak; ang katawang nakikita mo roon, ay kung saan ka babalik…oras na para lisanin mo ang lugar na ito.” Pagkatapos dinala Niya ako sa isang magandang mala-kristal na linaw na ilog at sinabi “Anak, lumusong ka sa ilog at ilubog mo ang iyong sarili.” Bago ako lumusong sa mala-kristal na ilog nang buhay na tubig, ako’y nakakaranas nang hindi mawaring galak, subalit matapos kong ilubog ang aking sarili at umahon, ako’y tuwang-tuwa. Naisip ko na hindi ko na kailangang bumalik sa tahanan, subalit sinabi sa akin ng Panginoon, “Anak, kinakailangan kang bumalik sa Mundo…Anak, ipapakita Ko sa iyo ang ilang mga bagay: Kung papaano ako babalik sa Mundo para sa isang banal na bayan o mga tao. Ipapakita ko sa iyo kung papaano ang araw ng pagdagit (rapture) ay mangyayari.”
Pagdagit at Pagdurusa

Lumakad kami sa isang lugar na may isang dambuhalang telon, at nakita ko ang mga tao sa loob nito. Namamalas ko ang buong daigdig. Pagkatapos bigla-bigla nakita ko ang libu-libong mga tao nagkakawala. Mga buntis na babae nawala ang pagkabuntis, at ang mga itsura nila ay tulad nang mga nabaliw na naghihiyaw.
Mga bata ay nangawala mula sa lahat ng dako. Maraming mga tao ay nagtatakbuhan paroon’t parito, naghihiyawan, “Hindi maaari ito!, hindi maaari ito! Ano ang nangyayari?”
Nakita ko sila na nakakakilala na sa Panginoon, subalit naiwanan. (Matt 24:40-41) Sinasabi nila na naparito na si Kristo, ang pagdagit ay nangyari na. Humiyaw sila at nagnanais na kapusin ang kanilang mga buhay, subalit hindi nila magawa. Sinabi ng Panginoon sa akin, “Anak, sa mga araw na iyon, ang kamatayan at tatakas; Anak, sa mga araw na iyon ang Banal na Espiritu ay mawawala na sa Mundo.” (Revelations 9:6) Mayroong mga aksidente subalit wala akong nakitang ni isang taong patay: lahat sila ay buhay, bagaman sugatan.
Nakita ko ang mapakalaking pila ng mga sasakyan na may libu-libong tao. Sabi Niya sa akin, “Anak, tignan mo, ganito mangyayari ang bawat bagay.” Pagkatapos nakita ko ang mga tao nagtatakbuhan sa isang lugar patungo sa ibang lugar, humihiyaw, “Si Kristo’y naparito, si Kristo’y naparito!” Nagmamakaawa sila, “Panginoon, patawarin po ninyo ako, patawarin po ninyo ako, isama po Ninyo ako!”
Subalit nakalulungkot sabi ng Panginoon, “Ito’y huling-huli na. Ang oras para magsisi ay ngayon…Anak, humayo ka at sabihin mo sa sangkatauhan na hanapin Ako, sapagkat sa mga oras na iyon wala nang pagkakataon. (Isaiah 55:6) Anak, lubhang huli na para sa lahat ng mga nagpaiwan.” Nang mapansin ni Jesus kung papaanong naiwanan ang mga tao, nagpasimula Siyang mahapis at sinabi, “Anak, pupunta Ako sa Mundo tulad nang sinasabi sa 1 Thes. 4: 16-17 : “Sapagkat ang Panginoon mismo ang bababa mula sa langit na may isang hiyaw, na may tinig ng arcanghel, at may trumpeta ng Dios; at ang mga namatay kay Kristo ang unang bubuhayin; Pagkatapos tayong mga buhay at nananatili ay sama-samang dadagitin pataas na kasama nila sa mga alapaap, upang katagpuin ang Panginoon sa hangin; at mananatili nga tayo sa piling ng Panginoon.”
Subalit hindi lahat ay makakasama sa Panginoon, sila lamang na gumagawa ng Kanyang kalooban (Matthew 7:21) at namumuhay sa isang banal na pamumuhay. Sapagkat sinabi sa akin ng Panginoon, “Iyon lamang mga banal ang makapapasok sa Kaharian ng Langit, (Hebrews 12:14) Walang nakaaalam, nang araw o oras na kung saan Ako ay babalik para sa Aking banal na mga tao, maging mga anghel ay hindi alam ito.” (Matthew 24:36)
Sa telon, nakita ko ang mga tao na takbuhan nang takbuhan. Mga babasahin at mga balita sa TV ay nagsabi na “SI KRISTO AY DUMATING NA.” Ang telon ay sumara, at tinapos ni Jesus sa pamamagitan ng pagsasabing, “Ako’y babalik para sa isang banal na bayan o mga tao.” Ito ang lahat nang Kanyang ipinakita sa akin. Pagkatapos noon, dinala Niya akong muli pabalik sa Mundo.
Kasama ang mga anghel na nakapalibot, nagpasimula kaming bumaba sa mga napakagandang hagdan; puting mga apakan na may mga bulaklak na nakapaikot sa kanila. Ako’y lumuluha habang bumababa, nakiki-usap kay Jesus, “Panginoon, paki-usap, huwag Ninyo po akong iwanan dito. Isama po Ninyo ako!” Siya’y tumugon, “Anak, ang mga lahi, iyong pamilya ay naghahantay para sa iyo…Anak, kinakailangang pumasok ka sa katawang iyon. Kinakailangan mong taglayin ang buhay, Anak, upang ikaw ay makahayo at magpatotoo kung ano ang iyong nakita. Marami ang hindi maniniwala sa iyo; marami ang maniniwala sa iyo, subalit Ako ang iyong matapat na saksi. Ako’y kasama mo. Hindi Kita iiwan.”

Pabalik sa Mundo
Maxima:
Nang bumalik ang aking anak, kami ay naghihintay doon, at siya ay naka-unat sa ibabaw ng sahig. Bigla siyang nag-, “uuhmm,” wala na. Sabi ko, “Salamat po, Panginoon, dahil ang aking anak ay nabalik!”
Lahat kami ay nagbigay pasasalamat sa Panginoon. Pagdaka’y nagpasimula siyang huminga ng marahan, unti-unti. Matapos ang limang oras, kaya na niyang imulat ang kanyang mga mata at magsalita. Noong una hindi namin halos maunawaan ang kanyang mga sinasabi; hindi ito sadyang malinaw. Wala siyang lakas. Kinakailangan naming panatiliing sarado ang mga bintana, sapagkat hindi pa kaya ng kanyang mga mata ang liwanag.
Sa pagiging mausisa, kaming lahat ay nagnasa sa kanya na sabihin sa amin kung ano ang kanyang nakita. Subalit dahil siya ay napaka hina pa, kakaunti pa lamang nasabi niya. Kinailangan ng 2 linggo upang masabi niya ang kanyang buong patotoo.
Pumarito ang mga demonyo upang pahirapan siya matapos ang lahat nang ito. Nakikita niya nang malinaw sila; nagtatangka silang magtago sa mga anino. Sila’y naririto sa loob ng tatlong araw nang kanyang pagbabalik, bago pa siya talaga makapagsalita. Tinanong niya sila kung ano ang kanilang kailangan at sila ay tumugon, “Naparito kami upang makipagtipan sa iyo…kinakailangang manahimik ka. Kinakailangang wala kang sasabihing kung anuman ang nakita mo sa ibaba roon, dahil kapag nagsalita ka, papatayin ka namin.” Isinalarawan niya na ang mga demonyo ay pangit, malalaki at matataba, pangit. Sabi niya walang anumang salita upang isalarawan kung gaano kakila-kilabot ang kanilang mga itsura. Sinasansala niya sila, subalit hindi sila umaalis. Kapag sila’y dumating tinatalunan nila siya sa ibabaw at tinatangkang siya’y sakalin. Lumalaban siya pabalik sa pamamagitan ng pagpapalayas sa kanila, subalit wala siyang lakas. Minsan nang palayasin niya sila, isang matinding liwanag ang nagpakita at sila ay kumaripas sa pag-alis! Ito ay ang Panginoon.
Kung ano ang dinaanan nang aking anak ay hindi madali. Binigyan siya ng isang malamim na mensahe para sa lahat nang sangkatauhan, na hanapin ang Dios. Subalit iniisip nang sangkatauhan na ang kanilang ginagawa ay tama. Mga kabataan na nagugumon sa mga droga at alak, iniisip nila na iyon ay OK, subalit hindi. Isa sa mga pinakadakilang karanasan na naranasan ng aking anak ay nang nakita niya ang maraming mga nagbibigay-aliw sa impierno, kasama ang mga mananayaw, at ganun din kay Pope John Paul II. Oras na upang hanapin ang Panginoon, upang magsisi at ibaba ang sarili sa harap Niya. Tunay ang Salita ng Dios nang sabihin nitong “Langit at Lupa ay lilipas, subalit ang Aking mga salita ay hindi lilipas.”(Mark 13:31) Ang Salita ng Panginoon ay magaganap sa kanyang tinakdang oras. Ipinakita rin sa akin ng Panginoon ang isang lagusan, na kung saan ang mga tao ay naglalakad patungong impierno. Maraing tao ay naroon na sa impierno. Ito’y totoo! Subalit maging ang mga tao ng Panginoon ay hindi naniniwala rito, marami ay sadyang hindi talaga naniniwala rito.
Ang pinakamahalagang mensahe ay dapat nating hanapin ang Panginoon, hindi lamang sa ating mga labi, kundi sa pinakamalalim na bahagi ng ating mga puso, sapagkat ang pagparito ng Panginoon at malapit na. Sabi ni Jesus, “Wala na Ako sa pinto; Ako ay lagpas na sa pinto. Ako’y malapit nang bumalik; ang Aking pagbabalik ay malapit na. Iniwan Ako ng aking mga tao at muling bumalik sa mga bagay na makamundo…sabihin mo sa Aking mga tao na bumalik sa mga dating landas.” Ang simbahan ngayon ay dapat bumalik sa mga dating landas; na kung saan tayo’y na roon sa apoy nang paghahanap sa Panginoon. Kapag tumunog ang trumpeta kinakailangang handa tayong harapin ang Panginoon, at ito’y kahanga-hanga!

Ang Mahigpit na Mesahe ng Panginoon
Angelica, nangungusap sa harap ng mga tao:
Sinabi sa akin ng Panginoon, “Anak, sa mga araw na iyon ang Banal na Espiritu ay wala na sa Mundo. Sa mga araw na iyon, wala na Siya sa Mundo.” (2 Thes. 2:7) At nakita ko napakalaking pila ng mga sasakyan, na may mga sakuna. Maraming tao ang magtatangkang patayin ang kanilang mga sarili, subalit sabi ni Jesus, “Hahanapin nila ang kamatayan, subalit aalis sa sangkatauhan ang kamatayan. Ang kamatayan ay wala na sa mga panahong iyon.” (Revelations 9:6) Nakita ko ang mga tao nanonood ng TV at mga babasahin na nagsasabi, “Libu-libo ang mga nawawala.” Marami ang nakakaalam na si Kristo ay dumating na para sa Kanyang banal na mga tao. Sila na nakakakilala sa Panginoon, subalit naiwan, lumalakad na nananangis sa mga lansangan, nagnanasang patayin ang kanilang mga sarili, subalit wala silang magawang anuman.
Habang nasa Langit, sinabi ni Jesus, “Ako’y babalik para sa isang banal na mga tao at Ako’y babalik kaagad para sa Aking mga mananampalataya o iglesia.” Subalit dalawang linggo nang nakalilipas sinabi sa akin ng Panginon, “Anak, nalulugod Ako sa iyong ginagawa, na ginaganap mo kung ano ang ibinigay Ko sa iyo, subalit hindi mo sinasabi sa Aking mga tao na Ako ay malapit nang bumalik. Sabihin mo sa Aking mga tao na Ako ay babalik na kaagad.” Muli sinabi ng Panginoon, “Sabihin mo sa Aking mga tao na Ako ay mabilis na babalik na Ako ay babalik para sa isang banal na mga tao. Sabihin mo sa Aking mga tao na yun lamang mga banal, yun lamang mga banal ang makakakita sa Akin!…At huwag kang manahimik: patuloy ka sa pagpapahayag kung ano ang sinabi Ko sa iyo.”

Angelica praying with the audience:
Bawat isa, ipikit ang mga mata, at ilagay ang inyong kanang kamay sa ibabaw ng inyong mga puso. Itaas ang inyong kaliwang kamay at kung naiiyak ka, umiyak ka. Ngayon sabihin mo sa Panginoon kung ano ang nararamdaman mo sa iyong puso. Para sa kanila na nais tanggapin ang Panginoon, ulitin ninyo ang sasabihin ko.
Panginoon, nagpapasalamat po ako sa Inyong pag-ibig at sa Inyong kahabagan, salamat po, Panginoon, sa Salita na naka-abot sa aking puso ngayon. Ama, hinihiling ko po ang Inyong kapatawaran. Patawarin po Ninyo ako. Hugasan po Ninyo ako ng inyong mahal na dugo. Isulat po Ninyo ang aking pangalan sa Aklat ng Buhay. Tanggapin po Ninyo ako bilang Inyong anak, Panginoon, ngayon, pinatatawad ko ang sinuman na hindi nagawang magpatawad. Iwinawaksi ko ang aking kulang sa pagpapatawad. Iwinawaksi ko ang lahat ng mga bagay na nagpigil sa Inyong pagdaloy, at hinihiling ko sa Inyo na baguhin Ninyo ako at punuin Ninyo ako ng Inyong presensya araw-araw. Salamat po, Ama, Anak at Espiritu Santo; sa Pangalan ni Hesus, Amen
Angelica:
Ang patotoong ito ay hindi isang kasinungalingan; hindi ito isang biro; hindi ito isang kuwento; hindi ito isang panaginip, ang impierno ay tunay! Mayroong impierno! Sa sinuman na hindi naniniwala, nais kong sabihin sa iyo na tunay ang impierno, tunay na tunay. Hindi ako makakita ng mga salita upang sabihin sa iyo kung gaano katotoo ito. Hiling ko na maranasan mo ito mismong naranasan ko.
Angelica, nangungusap kasama ang Tagasalaysay:
Ang oras ay napakadali, pinahintulutan ng Dios ang mga tanda upang ipahayag sa sangkatauhan kung ano ang mga bagay na mangyayari. Huwag kang manatili sa kahatulan; iyan ang nais ng demonyo. Tanungin mo ang iyong sarile kung lumalakad ka na ngayon patungo sa lagusan ng impierno? Ngayon ang araw ng kaligtasan, ngayon ang araw upang anyayahan si Jesus, bilang iyong Tagapagligtas sa iyong buhay. Ito ay mga simple subalit dakilang mga salita upang sabihin: “Tinatanggap Kita, Jesus bilang aking Panginoon at aking tanging Tagapagligtas. Ibinibigay ko sa Iyo ang aking buhay at kaluluwa kasama ang lahat ng aking puso. Nais kong makasama Ka sa habang panahon.”
Piliin ang iyong huling hantungan: Buhay o Kamatayan, langit o impierno, Jesus o ang diablo. Napakalinaw, maaaring ikaw ay kabilang kay Jesus o sa diablo. Maaaring gumagawa ka kung ano ang tama o gumagawa ka kung ano ang mali. Piliin ang iyong kahahantungan: buhay na walang hanggan o lawa ng apoy. Isipin mo ito. Magpasya ngayon. Si HesuKristo ay namatay sa krus para sa bawat isa sa atin, par sa ating mga kasalanan, at binigyan Niya tayo ng pagkakataon para maligtas sa pamamagitan ng Kanyang kahabagan. Tanggapin si Kristo bilang iyong tanging Tagapagligtas! Ngayong napakinggan mo ang patotoong ito, huwag mong hayaan na ang oras na ito ang iyong pinanghihinayangan magpakailan man sa impierno.”
Mga Pinagkunan
Rev. 19:9 Mapalad sila na mga inanyayahan sa salu-salu sa kasalan ng Kordero!…Ito ay mga tunay na mga salita ng Dios.
Rev. 20:15 Kung ang sinumang pangalan ay hindi masumpungan nakasulat sa aklat ng buhay, itatapon siya sa lawa ng apoy.
Rev. 21:4 Papawiin Niya ang bawat luha sa kanilang mga mata. Wala na roong kamatayan o magluluksa o pag-iiyakan o sakit, sapagkat ang mga lumang ayos ng mga bagay ay lumipas na.
Rev. 21:1 Pagkatapos nakita ko ang isang bagong langit at isang bagong lupa o mundo, sapagkat ang unang langit at ang unang lupa o mundo ay lumipas na, wala na roong anumang dagat.
Rev. 21:8 Subalit ang mga duwag, ang hindi sumasampalataya, ang malalaswa, ang mga mamamatay tao, ang mga mahahalay sa seksual, sila na nagsasagawa ng mga magic o salamangka, ang mga sumasamba sa dius-diosan ang lahat ng mga sinungaling—ang kanilang lugar ay doon sa naglalagablab na lawa ng nagbabagang asupre. Ito ang ikalawang kamatayan.
“Walang Mananamba sa Dius-diosan” ang makapagmamana ng Kaharian ng Langit.
Ex. 20:3-5 Huwag kang gagawa para sa iyong sarile ng imahen sa anumang hugis nang anumang bagay sa langit sa itaas o sa mundo sa ilalim o sa ilalim ng mga tubig. Hindi ka yuyukod sa kanila o sasamba sa kanila; sapagkat Ako, ang PANGINOON mong Dios, ay isang mapanibughuing Dios…
Rev. 21:21 Ang labing-dalawang pintuan ay labing-dalawang perlas, bawat pinto ay yari sa isang perlas. Ang mga malalaking lansangan sa lungsod ay yari sa purong ginto, tulad ng malinaw na salamin.
Rev. 21:27 Walang anumang marumi ang makakapasok dito, ni sinuman na gumagawa ng kahihiyan o mapandaya, subalit sila lamang na ang mga pangalan ay nakasulat sa aklat ng buhay ng Kordero.
Rev. 22:7 Masdan, Ako ay madaling babalik! Mapalad siya na nag-iingat ng mga salita nang hula sa aklat na ito.
Rev. 22:11 Hayaan siya na gumagawa ng mali magpatuloy sa paggawa ng mali; hayaan siya na kasuklam-suklam magpatuloy sa pagiging kasuklam-suklam; hayaan siya na gumagawa ng tama magpatuloy sa paggawa ng tama; at hayaan siya na banal na magpatuloy sa pagiging banal.
Rev. 22:12 Masdan, Ako ay dagliang babalik! Ang Aking gantimpala ay dala Ko, at bibigyan Ko ang bawat isa ayon sa kanyang ginawa.
Rev. 22:13-15 Ako ang Simula at ang Wakas na titik, ang Simula at Wakas, ang umpisa at huli. Mapalad sila na nangaghuhugas nang kanilang mga kasuotan, na sila ay magkaroon ng karapatan sa puno ng buhay at makapapasok sa mga pintuang patungo sa lungsod. Sa labas ay mga aso, sila na nagsigawa ng magic o salamangka, mahahalay sa seksual, mga mamamatay tao, mga sumusamba sa dius-diosan, at ang bawat isa na umiibig sa paggawa ng kasinungalingan.
(The video documentary was produced by the ministry: “El Sueño de Dios” together with “Godfilms”)
This video was originally in Spanish. Transcribed into English from Video (Thanks to Sandra) This testimony has been edited & minimally abridged. Most Illustrations were not part of the original testimony.
Isinalin sa wikang Tagalog ni Reyn Araullo, Ika-31, Marso, 2011, e-mail:pastorrey@gmail.com

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s